MAYNILA, Pilipinas –
Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagbabalak na suhulan siya
sa gitna ng malawakang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.
Sa talumpati ng Pangulo sa ginanap na parangal para “The
Outstanding Young Men and Women of 2016″ sa Malakanyang nitong Lunes, muling
iginiit ni Duterte na mayroon siyang nais malaman kaya niya inutusan si
Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald Dela Rosa na
ibalik sa puwesto si Supt. Marvin Marcos bilang hepe ng Criminal Investigation
and Detection Group (CIDG) – Eastern
Visayas.
“In-impose ko iyong order ko kay Bato. That’s my discretion.
I have control of the police and of the army. I guarantee you, there was
nothing wrong with it. I was just trying figure out something there,” paliwanag
ng presidente.
Itinanggi rin ni Duterte na tumanggap siya ng ’drug money’ mula sa mga drug lord; sabay banta sa
sinuman na magtatangkang suhulan siya.
“I have to study more. There was nothing to it. Huwag kayong
matakot, I don’t receive drug money,” ayon kay Duterte.
“Susmaryosep. Iyong sa mga kasintahan ko. Kung may pera
silang ibigay sa akin, tanggapin ko kasi it’s out of love. Bigyan mo akong
pera, babarilin kita sa harap ko,” dagdag pa ng Pangulo.
Matatandaang inamin ni Duterte na siya ang nag-utos kay Dela
Rosa para ibalik sa puwesto si Marcos.
Ito ay sa dahilan umano
na nais niyang malaman kung hanggang saan ang koneksiyon ng opisyal ng
CIDG sa ilegal na droga.
“Doon ko nalaman na… si Marcos, may tama. Kaya huwag mong
galawin kasi gusto kong tingnan,” ito naging paliwanag ng Pangulo.
Panoorin ang talumpati ng Pangulo:
Panoorin ang talumpati ng Pangulo:
