Pinapanatili ng katawan ang isang partikular na acidic state
para sa kalusugan nito. Gayunman, may madalas na kinakain at iniinum ang mga
tao na sadyang nakakasira sa wastong antas ng acidity sa katawan.
Ito ay nagreresulta sa pamamaga, akumulasyon ng toxin at
pagkasira ng immune system at organs sa loon ng katawan. Sa kabutihang palad,
may mga pag-aaral na ginagawa sa ibat-ibang pagkain na makakatulong para
maibalik ang wastong antas ng acidity sa katawan dahil sa matataas ang mga ito
sa alkaline.
Ang alkaline foods ay may kakayahang linisin ang katawan at
tanggalin ang excess acid na maaaring maging toxic kapag nasobrahan ang dami sa
katawan. Ang alkaline diet ay makakatulong para mapabuti ang kalusugan, bawasan
ang pamamaga sa katawan na isang pangunahing dahilan ng maraming seryosong
sakit.
ITO ANG 9 ALKALINE FOODS NA PWEDE MONG KAININ:
1. Almonds
Ito ay mayaman sa essential nutrients at plant-based fatty
acids na makikita sa kanilang oil at marami rin itong alkaline. Bukod sa
pagiging mabuti sa kalusugan ito rin ay maganda para sa buhok, balat at utak.
Ito rin ay makakatulong sa pagpapalaki ng muscles at para mabawasan ang antas
ng cholesterol sa katawan.
2. Cucumbers
Ito ay isang natural diuretics na may kakayahan na
ma-hydrate ang katawan at tanggalin din ang excess water dito at dahil dito
nababalanse sa antas ng acidity ng katawan. Ito rin ay mabisang gamitin para
malunasan ang pagkasira sa katawan na resulta ng sobrang uric acid o waste
material na karaniwang makikita sa ihi.
3. Cabbages
Nagbibigay ito ng mga kinakailangan na nutrients sa katawan
tulad ng magnesium at roughage na mainam para sa digestive at immune system,
para mabalanse ang alkalinity ng katawan at maging malusog ito hanggang
cellular level. Ang cabbage ay sinasabing mabisa sa pagpigil sa pagkakaroon ng
kanser sa katawan. Ito ay mataas sa fiber at nakakatulong din para mabawasan
ang dami ng calories at isang sangkap na dapat mong idagdag sa regular diet mo.
4. Plum Tomatoes
Ito ay mayaman sa vitamins A, C at E. Ito ay mainam na gamitin
para sa skin disorders, para sa wastong dami ng calories sa katawan, para sa
UTI at mga bladder problems. Ito ay dahil marami itong laman na tubig na
nakakatanggal ng excess acid sa katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.
5. Grapefruits
Ito ay nakakatulong para mapabilis ang metabolism at para sa
mapanatili ang wastong timbang ng katawan dahil sa pagtanggal nito ng
unnecessary fat sa katawan. Bukod sa pagiging isang mabisang weight-loss na
pagkain ito rin ay may laman na alkaline na mababa sa sugar at kahit maasim ito
at acidic ay nakakatulong pa rin ito para mapabuti ang antas ng alkaline sa
katawan. Pinapatibay din nito ang immune system dahil mataas ito sa vitamin C.
6. Key Limes
Isa itong citrus fruit at mataas sa vitamin C. Kaya nitong
tanggalin ang mga toxins sa urinary tract, excess acid tulad ng uric acid at
mga bakterya. Ang akumulasyon ng uric acid sa katawan ay magreresulta sa sakit
at pamamaga na makakasira sa kalusugan. Ang mga waste material na ito ay
unti-unti ring makaka-apekto sa internal organs mo.
7. Lemons
Gamitin ito para ma-detox ang katawan at bilang isang
digestive system at para rin manumbalik ang malusog na antas na acidity ng
katawan. Ang lemon ay isang superstar sa mundo ng old folk remedies para sa
flus, infection at kahit sa pagbabawas ng timbang. Kahit ito ay acidic by
nature, ito ay may kakayahan na gumawa ng alkaline responses sa katawan at
mababa rin ito sa sugar.
8. Basil
Ito ay itinuturing na king of herbs dahil marami itong
nutrients na karaniwang makukuha lamang sa kombinasyon ng ibat-ibang pagkain.
Ang Italian herb na ito ay mayaman sa vitamin K, omega 3 fatty acids, iron,
calcium, vitamin C at marami pang iba. Lahat ng ito ay kayang i-detoxiy ang
katawan sa pagpapababa ng acid levels at paglaban sa gumagawa ng kidney stones.
Ito rin ay nakakatulong sa paglinis ng kidneys dahil sa madalas na pag-iihi.
9. Cantaloupes
Ito ay galing sa family ng melon at marami itong laman na
tubig, beta-carotene, phytochemicals at halos lahat ng importantanteng klase ng
vitamin B na panlaban at para matanggal ang toxins at sobrang acid sa katawan.
Pinapatibay din nito ang immune system sa paglikha ng maraming white blood
cells para hindi maipon ang mga toxic susbtances at inaayos din nito ang antas
ng alkaline sa katawan.
Source: pinoyhealthtips
Source: pinoyhealthtips