Para mas maging pamilyar sa gout at kung paano maiiwasan o
mabawasan ang mga posibleng pag-atake nito, ang artikulo na ito ay makakatulong
sa iyo para dito. Ang gout isang pangkaraniwang uri ng arthritis o rayuma na
parehong masakit at komplikado.
Madalas itong mangyari sa hinlalaki ng paa ng isang tao. Ang
karaniwang dahilan nito ay ang mataas na bilang ng uric acid na ginagawa ng
katawan para masira ang purine. Ang uric acid na nasa anyo ng crystal ay siyang
nabubuo sa paligid ng mga kasukasuan o kidneys.
Ito ang magdudulot ng pananakit
at pamamaga sa mga joints o kasukasuan. Isa itong pangit na karanasan pero may
mga paraan para mabawasan ang sakit na idinudulot nito at ang beses ng
pag-atake nito sa katawan.
Loading...
Ito ang listahan ng mga pagkain na dapat mong iwasan kung nakararanas ka ng gout:
1. SUGARY DRINKS
Mahirap nating iwasan ang hindi pag-inom ng mga matatamis
lalo na kung panahon ng tag-init. Ang mga sweetened o pinatamis na mga inumin
tulad ng soda at fruit drinks ay nakatutukso dahil sa maraming bagay. Masarap
ito at madali lamang gawin, mura o kasing mahal ng mga bottled water at mainam
din na isabay ito sa kinakain na junk foods.
Gayunman, ang mga inumin na ito ay mataas ang laman na fructose na
nakakapagpalala ng gout at nakasasama din sa kalusugan ng tao. Nakakaapekto ito
sa gout dahil karamihan sa matatamis na inumin ay may laman na artificial
fructose na nagpapataas ng antas ng uric acid sa dugo na nagdudulot ng pamamaga
sa paligid ng mga kasukasuan.
Bukod dito, ayon sa isang pag-aaral na ginawa ni
Hyon Choi, MD, DrPH, isang clinical associate professor of medicine sa
rheumatology ay ipinakita sa mga nakilahok sa pag-aaral na ito na ang
pagkunsumo sa sobra sa 2 servings ng asukal o fructose-sweetened soda araw-araw
na pinataas nito ng 85 percent ang tiyansa ng pagkakaroon nila ng gout.
Mas
mataas ito kung ikokompara sa mga kalahok na mas maliit ang ininom na sugary
soda sa loob ng isang buwan. Isinulat din niya na ang diet soda ay walang
epekto o kaugnayan sa pagbuo ng gout kaya maaari mo pa rin itong inumin.
At saka, dapat din nating isaalang-alang na sa halip na
uminom ng tubig para maibsan ang ating pagkauhaw (nakakatulong din ito para
mabawasan ang posibilidad na mabuo ang uric acid bilang crystals) ay mababawasan ang kagustuhan nating uminom dahil sa mga inumin na ito.
Tandaan na
ang wastong dami ng tubig sa katawan ay importante sa ating kalusugan.
2. CANDY AT CAKES
Ang susi ay iwasan ang mga klase ng pagkain na marami ang
laman na fructose at corn syrup.
Kung madalas kang may sweet tooth, ay isipin
mo lamang ang pananakit at pamamaga ng mga joints kung magpapadala ka sa mga
pagkain na ito.
3. RED MEAT
Ang gout ay tinawag na “sakit ng mga hari” dahil karamihan
sa pagkain na may kaugnayan sa sakit na ito ay ang madalas na kinakain ng mga
masisiba. Ang red meat ay puno ng purine na patataasin ang tiyansa mong
atakehin ng pananakit ng gout. Kung hindi mo sigurado kung ano ang red meat ay
nabibilang dito ang beef, pork at lamb.
4. ORGAN MEATS
Malaking kalungkutan ito sa mga mahilig kumain ng mga
kakaiba dahil ang pag-iwas sa pagkain ng atay, kidney at sweetbreads ay
maaaring isa sa pinakamainam na gawin kung nakararanas sila ng gout.
Ito ay
dahil ang mga glandular parts o organs ay matindi kung pataasin ang uric acid
dahil sa mataas na laman nito na purine. Mas pinapalala nito ang sitwasyon ng
limang (5) beses.
5. ALCOHOL
Pinagbalaan na tayo ng mga doktor tungkol sa panganib ng
pag-inom ng alak pero marami pa rin sa atin ang hindi naniniwala dito. Ang
kaugnayan ng alak sa gout ay sa ganitong paraan: ang ilang mga klase ng alak
katulad ng beer ay mataas sa purine, ang purine ay isang bagay na nabubuo
bilang uric acid sa katawan.
Ang uric acid na ito ang nagdudulot ng masakit na
pakiramdam sa paligid ng kasukasuan na alam natin ngayon na gout. Gayunman, mas
mainam kung tatanungin natin ang doktor kung ano ang ligtas na maiinom natin na
mga alak.
6. WHITE BREAD AT PASTA
Kahit hindi gaanong katamis, ang white bread at pasta ay may
taglay din na high-fructose corn syrup. Subukan mong gumamit ng whole bread sa
halip na mga ito. Hindi ito madali sa umpisa pero kung maselan ka sa mga
kinakain o binibili mong mga tinapay ay mas magiging ligtas ka.
7. SEAFOOD
Siguro isa ka sa mga tao na masaya dahil wala kang alerhiya
sa seafood pero dumating ang panahon na nagkaroon ka ng gout. Ang ilang seafood
ay maaaring mas mataas ang laman na purine kesa sa iba, katulad ng mussels,
scallops, tuna, sardines, haddock at mackerel.
Ang mga seafood na ito ay mas
palalalain ang sakit na mararamdaman mo dahil sa gout ng 50%. Ang salmon ay
hindi kasama dito at napag-alaman din na mabisa ito para sa mga nakararanas ng
gout.
Isa pang masamang balita ay kung mahilig kang kumain ng hipon ay iwasan
mo ito kung may gout ka. Ito ay dahil ang hipon ay may taglay na 100-1000 mg ng
purine per 3 ounces ng serving nito.
Ang isang tao na nakararanas ng gout ay
kailangan limitahan ang purin intake araw-araw sa 150 mg lamang.
ITO ANG LISTAHAN NG IBA PANG MGA PAGKAIN NA DAPAT MONG RING IWASAN:
Lahat ng ito ay may laman na 100-1000 mg purine nitrogen per 100 g ng mga pagkain na ito.
Brains
Consommé
Goose
Gravy
Heart
Herring
Kidney
Meat extracts
Mincemeat
Roe
Yeast
ITO ANG MGA PAGKAIN NA ITINUTURING NA LIGTAS KAININ PERO MAAARING MAG-INGAT PA RIN O HUWAG SOBRAHAN ANG KINAKAIN DAHIL MAY LAMAN DIN ITONG PURINE KAHIT MABABA LANG:
Ang mga pagkain na ito ay may laman na 9-100 mg ng purine
nitrogen per 100.
Asparagus
Dried beans
Lentils
Mushrooms
Dried peas
Shellfish
Spinach
ANG MGA LIGTAS NA PAGKAIN. SOBRANG BABA LAMANG ITO SA PURINE AT LIGTAS KAININ ARAW-ARAW MALIBAN LAMANG KUNG MAY IBA PANG KONDISYON ANG ISANG TAO:
Cereals
Cheese
Cherries
Chocolate
Coffee
Cream
Custard
Eggs
Fruit
Gelatin desserts
Herbs
Ice cream
Milk
Noodles
Nuts
Oil
Olives
Pickles
Pasta
Popcorn
Puddings
Relishes
Rice
Salt
Tea
Vegetables (maliban sa mga naisulat sa taas)
Vinegar
Source: pinoyhomeremedies
