Yes! Patuloy na umaarangkada ang Duterte’s Kitchen(DK) sa
Cubao, Quezon City na naghahain ng masusustansyang pagkain, hindi lamang sa mga
batang lansangan kundi maging sa mga matatanda rin at mga Pinoy na nagugutom at
walang pambili.
Ang Duterte’s Kitchen, na nasa pagitan ng MRT Cubao at
Farmers’ Plaza, ay binuksan sa pangunguna ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa
pamamagitan ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan.
Ito’y naglalayong makapagbigay ng pagkain sa 50 hanggang 70 bata
at matanda mula agahan, tanghalian hanggang hapunan. Lugaw at tsamporado ang
karaniwang inihahain tuwing umaga, samantalang isda, gulay, adobong manok at
baboy naman tuwing tanghalian at hapunan.
Ngunit makikita sa Facebook page ng
DK na marami na ang nagbahagi ng blessings kaya’t patuloy na lumalago ang adbokasiya ng DK!
Kung saan-saan nanggagaling ang mga “good samaritans” na naniniwala sa
kabutihan ng gawain ng Duterte’s Kitchen!
Kapuna-puna rin na hindi lang pagkain ang ibinibigay ng
Duterte’s Kitchen. Isa rin itong “family center” kung saan tinuturuan ang mga
bata na makapagbasa at binibigyan ng inspirasyon ng iba-ibang personalidad.
Kamakailan ay bumisita si Ms. Philippines-Earth 2016 Loren
Mar Artajos at ang kanyang kasamang runners-up sa pagturo sa mga bata ng
wastong pangangalaga ng ating kapaligiran sa pamamagitan ng limang R —- Rethink. Reduce. Reuse. Recycle. Respect.
Source: kickerdaily
Source: kickerdaily

