Hindi ito pangkaraniwan na pinag-uusapan ng tao pero
importanteng matutunan mo ito. Ito ay ang pag-utot. Isa itong natural process ng katawan
para sa maayos na digestive system.
Ang mga pagkain tulad ng beans, oats, sweet potatoes at
wheat ay magandang gamitin para mapa-utot ang isang tao. Bukod dito ay matataas
ang mga ito sa nutrients na siya ring dahilan sa matapang na amoy ng utot
minsan.
ITO ANG ILANG MGA DAHILAN KUNG BAKIT MABUTI PARA SA IYO KUNG
UMUTOT KA AT DAPAT MALAKAS:
PARA MABAWASAN ANG BLOATING
Isa sa mga dahilan ng pag-utot ay ang akumulasyon ng gas sa
lamang-loob. Ang interesting ay karaniwang may hangin na mabilis na
dumadaloy sa small intestines hanggang colon. Huwag mo itong pipigilan at ilabas mo kaagad ito kahit saan
ka man.
NAKAKATULONG ITO SA PAGBALANSE NG REGULAR DIET MO
Ang pag-utot ay isang magandang indikasyon kung mabuti nga
ba para sa iyo ang diet mo. Ang excessive flatulence ay sanhi ng lactose intolerance.
Lumipat sa isang high-fibre diet.
MAIBSAN ANG PANANAKIT NG TIYAN O ABDOMINAL PAIN
Ang pagpigil sa utot ay magreresulta sa intestinal
distention na masyadong masakit para sa abdomen. Ang paglabas ng hangin na ito ay makatatanggal o makababawas
sa sakit na nararamdaman. Marahan na masahihin ang tiyan para mapagana ito at lumabas
ng maayos ang hangin sa tiyan.
MASAMA PARA SA COLON KUNG PINIPIGILAN MONG UMUTOT
Ang akumulasyon ng hangin sa tiyan at pagpigil sa paglabas
nito ay magreresulta sa pagkasira at mga problema sa colon.
ANG PAGLANGHAP SA
UTOT AY MABUTI PARA SA IYO
Nakakadiri man ito at masama ang amoy ay may isang pag-aaral
na ang paglanghap sa utot ay nakakapigil sa mitochondrial damage sa cells mo.
Ito ay kayang pigilan ang mga sakit tulad ng arthritis,
heart disease at kahit stroke.
MARARAMING MASASABI ANG UTOT MO SA IYONG KALUSUGAN
Kung nakakaramdam ka
ng sakit o malaking pagbabago sa flatulence mo na walang kaugnayan sa kinakain
mo ay subukang magpasuri sa isang doktor.
PARA MA-DIAGNOSE ANG FOOD ALLERGIES
Kung dumami ang pag-utot mo pagkatapos mong kumain ng isang
partikular na pagkain ay subukang magpasuri sa isang doktor dahil baka isa
itong alerhiya sa pagkain at para malaman mo kung ano ang iiwasan mong
kakainin.
MAGANDA ITO SA PAKIRAMDAM
Kapag lumabas ito ng katawan ay sadyang napakaganda sa
pakiramdam. Para kang nakalaya na ibon galing sa isang maliit na selda kung
saan ka nakakulong ng maraming panahon. Kung sa maraming tao o nasa awkward
place ka para umutot ay maaaring lumabas na lamang, pumuna sa malayo o sa
banyo.
Source: pinoyhomeremedies
