Kung nasa pilipinas ka, ang isang halaman na kung tawagin ay
Tawa-tawa ay magbibigay ng saya sa mukha mo dahil lamang sa pangalan nito.
Loading...
Gayunman, ang kakayahan ng halaman na ito para mabigyan lunas ang maraming
klase ng karamdaman ay dapat seryosohin.
Ang siyentipikong pangalan nito ay Eurohorbia Hirta at
tinatawag din na Gatas-gatas dahil sa laman nito na katas na kaparehas sa
itsura at pakiramdam ng gatas, o tinatawag din na Asthma weed dahil sobrang
nakakatulong ito sa mga inaatake ng astma o hika.
Ito ay mabalahibo na halaman
at sobrang dami sa mga bansa tulad ng India at sa Pilipinas, sa katunayan
tumutubo lang ito kahit saan.
Mataas ang tiyansa na makita mo kaagad ito kung
naghahanap ka lang sa tabi ng daan, sa imbakan ng mga basura, sa mga daanan sa
bukid at sa damuhan.
Sa isang 2012 na pag-aaral na ginawa sa U.S., napag-alaman
na ang Tawa-tawa ay may mabisang mga katangian tulad ng pagiging anti-diarrheal,
anti-cancer, anti-bacterial, antioxidant, anthelmintic, anti-asthmatic,
sedative, anti-spasmodic,anti-amoebic,
anti-fertility, anti-fungal, at antimalarial.
Dahil dito ang tawa-tawa
ay talagang biyaya ng kalikasan at isang ginto!
Ginagamit ito ng mga Indian nationals sa kanilang Ayurvedic
medicine sa loob ng maraming siglo kahit sa kasalukuyan.
Ang komplikado na
pagkagawa nito ay nagbibigay ng mabisang panlaban sa mga maraming uri ng sakit
at karamdama; ang ilan dito ay ang alkanes, phytosterols, tannins, polyphenols,
triterpenoids, amino acids, alkaloids at flavonoids.
MAHABA ANG LISTAHAN, PERO NGAYON IPAPABASA NAMIN SA INYO ANG SAMPUNG (10) PANGUNAHING PAKINABANG NG TAWA-TAWA:
1. Magagamit ito para mapataas ang produksyon ng platelets (para sa malaria at dengue)
Ang biglaang pagkakaroon ng mataas na lagnat, pagdurugo ng
ilong at mababang bilang ng platelet ay sintomas ng dengue. Matagal na itong
isyu sa Pilipinas dahil ang mga lamok na nagdadala sa dengue virus ay mahilig
sa klima ng bansa.
Ang epidemya ito ay talagang napakalala na at sa isang
pag-aaral na ginawa noong 2008 na inilathala ng Regional Office for the Western
Pacific of the Health Organization ay nakapagtala sila ng 9,620 na kaso ng
dengue na may 373 na fatalities o namatay sa Pilipinas.
Alam ng mga mananaliksik na ang blood transfusion ay
napakahirap gawin dahil ang sakit na ito ay maaaring patayin ang isang pasyente
sa loob lamang ng ilang oras.
Inirekomenda nila ang paggamit ng tawa-tawa para
mapalakas ang produksyo ng platelets sa katawaan at mapataas ang bilang nito
dahil wala rin itong makikitang epekto sa bilang ng mga red blood cells at
white blood cells.
Dahil rin sa pagtaas ng produksyon ng platelet sa bone
marrow ay tumaas din ang kakayahan ng tawa-tawa na pataasin ang bilang ng nito
sa katawan.
Kung nagtataka ka kung paano nakakatulong ang tawa-tawa para mapataas ang bilang platelets sa katawan, mababasa mo sa baba kung paano makagawa ng isang sikat na tawa-tawa tea.
(1) Kumuha ng 5 buong Tawa-tawa na halaman;
(2) Putulin ang ugat, hugasan at linisin;
(3) Pakuluan ang Tawa-tawa sa isang kaldero na may tubig at
siguraduhin na malinis ito;
(4) Ilipat ito sa isang lalagyan at hayaang lumamig;
(5) Uminom ng 1 baso ng 3-5 beses sa isang araw.
Gayunman, dapat ka pa ring kumunsulta sa doktor bago mo
gamitin ito dahil baka gumagamit ng ibang medikasyon ang tao na pagagamitan mo
nito at magkaroon ng masamang reaksyon o epekto.
2. Nakakatulong para patayin ang mga bakterya
Para magamit mo ito para mapuksa ang mga bakterya sa
katawan, kailangan mo lang ng 25 grams ng halaman na ito per 2 tasa ng tubig,
pakuluan sila ng 3 minuto at uminom ng 3-5 tasa araw-araw para mabisa.
Gumagana
ito dahil sa ethanol extract na makikita dito na napag-alaman na mabisa para
mapigilan ang pagkalat ng mga bakterya.
Bukod sa pagiging anti-bacterial ng
tawa-tawa ay noncytotoxic din ito na nangangahulugan na wala itong laman na
toxins na makasisira sa mga cells.
3. Panlunas sa mga problema sa balat
Mabisa itong panlunas para sa sores, boils, warts, fungi at
mga sugat. Paano ito gamitin? Gumamit ng fresh latex sa sores, boils, warts,
fungi at mga sugat.
Wisikan ng pinatuyo o dinurog na dahon ng tawa-tawa bilang
wound dressing. Bukod dito, ang sap ng tawa-tawa kapag ginamit ng direkta sa
mga apektadong bahagi ay epektibo rin para matanggal ang skin herpes.
4. Panlunas sa diarrhea/dysentery
Ang paggamit dito sa kahil maliit na dosis ay makakatulong
para mapaginhawaw ang digestive system at ang malaki dosis ay magdudulot ng
purgative na epekto.
Ibabad lamang ang isang kutsara na puno ng dahon ng
tawa-tawa sa isang baso ng tubig sa loob ng 8-10 minuto. Uminom ng 4 baso bawat
araw.
5. Pinapabuti ang fertility sa pagbawas sa sperm motility
Maaaring makaluma na itong gamitin para dito dahil marami ng
mga panibagong medikasyon para dito, gayunman, dapat mong malaman na ang
tawa-tawa ay maraming epekto pagdating sa sexual health, ang anti-viral at
sterile na katangian nito ay epektibo para magbigyan ng lunas ang maraming
klase ng venereal disease at urinary tract infections.
6. Pinapatay nito ang mga parasitiko na uod
Epektibo itong gamitin bilang dewormer o pangtanggal ng uod
at para mapatay ang mga itlog nito. Katulad ng nabasa mo sa taas ito ay may
purgative effects.
Ang kailangan mo lang ay 25 grams ng dahon nito sa 2 tasa ng
kumukulo na tubig. Hayaan itong lumamig bago uminom ng 3-5 tasa bawat araw.
7. Para maibsan ang stress at anxiety o sobrang pag-aalala
Gumagana ito bilang sedative at nakakatulong para mabigyan
ng lunas ang anxiety. Ang paggamit nito ay katulad ng para matanggal ang
bakterya at uod sa katawan.
8. Para maiwasan ang alerhiya
Ang shikinic acid at choline na makikita sa tawa-tawa ang
may kagagawan sa pagpigil sa maaga at huling state ng allergy. Ang paggamit dito
ay katulad ng pagtanggal ng mga bakterya.
9. Para mapababa ang blood pressure
Dahil sa anti-diuretic ang tawa-tawa ay mabisa niton na
mababawasan ang antas ng blood pressure sa katawan.
Ibabad ang 3 kutsara ng
dahon nito sa 1 tasa ng tubig sa loob ng 5 minuto at uminom ng 2 baso para
epektibong mapababa ang mataas na blood pressure.
Kay kakayahan itong mapigilan
o ihinto ang aktibidad ng angiotensin habang pinapataas ang dami ng pag-ihi mo
at ng electrolytes sa katawan.
10. Para mabawasan ang mga pamamaga
Ito ang dahilan kung bakit tinawag ang tawa-tawa na Asthma
weed. Ang mga problema sa paghinga tulad ng astma, sore throats at paulit-ulit
na ubo at kahit bronchitis ay kayang paginhawain dahil sa anti-inflammatory na
katangian ng aromatic plant na ito.
Maaaring ikunsumo o gamitin ang tawa-tawa sa maraming
paraan. Bukod sa paggawa ng tsaa gamit ito o pagpapakulo lamang sa mga dahon
nito ay may mga capsules din na gawa dito na makikita ka sa mga drugstores.
Gayunman, tulad ng ibang mga bagay ay mag-ingat at huwag itong gamitin ng
sobra.
Source: pinoyhomeremedies
Source: pinoyhomeremedies
