1. NAKAKATULONG PARA SA GUSTONG PUMAYAT
Alam mo ba na mabibigyan ka ng magandang hugis ng katawan
gamit ang isang simpleng bagay lamang tulad ng dahon ng bayabas?
Kung uminom ka
ng katas na galing sa dahon ng bayabas, makakatulong ito para hindi maipon ang
carbs sa katawan at maging taba at sa halip ay nalulusaw na lamang sa atay.
Loading...
2. MABUTI ITO PARA SA MAY DIABETES
Loading...
Epektibong pinapababa ng tsaa na gawa sa dahon ng bayabas
ang blood glucose sa mga diabetic sa pagbawas nito ng aktibidad ng
alpha-glucosidease enzyme. Bukod dito, pinipigilan din nito na mahigop ng
katawan ang sucrose at maltose at sa pamamagitan nito ay bumababa ang antas ng sugar
sa dugo.
Uminom ng guave leaf tea sa loob ng 12 linggo para mapababa ng husto
ang blood sugar na hindi tumataas ang produksyon ng insulin sa katawan.
3. BAWASAN ANG KOLESTEROL
May ilang pananaliksik ang nakaalam na ang pag-inom ng guava
leaf ng 3 buwan ay makakatulong para mabawasan ang LDL o bad cholesterol at
triglycerides sa katawan na walang masamang epekto sa good cholesterol. Mabisa
rin gamiting ang guava leaves bilang liver tonic.
Pinapabuti nito ang balanse ng
sodium at potassium sa katawan para makontrol ang blood pressure sa mga may
hypertension.
4. TUMUTULONG ITO PARA MAPALAKAS ANG IMMUNE SYSTEM
Dahil sa mataas na vitamin C na makakita dito, ang dahon ng
bayabas ay malaki ang maitutulong sa kakayahan ng iyong katawan na labanan ang
kahit anong impeksyon at sakit.
5. NAKAKATULONG ITO PARA MAWASAN ANG TIYANSA MONG MAGKAKANSER
Nagagawa ito ng bayabas dahil sa mga compounds na katulad ng
lycopene, quercetin, vitamin C at mga iba't ibang polyphenols na
makikita dito.
Gumagana ang lahat na ito bilang isang mabisang antioxidant na
umaayos ng pagkasira sa katawan na dulot ng free-radicals.
Ayon sa isang
pag-aaral na inilathala noong 2010 sa journal ng Nutrition and Cancer,
napag-alaman ng mga mananaliksik na ang katas ng bayabas ay tumutulong na
bawasan ang laki ng prostate tumors. Ang madalas na pagkunsumo ng guava extract
ay mabisang paraan para maiwasan ng mga kalalakihan ang prostate cancer.
6. NAGAGAMIT ITO BILANG PANLUNAS SA DENGUE FEVER
Ang dahon ng bayabas ay itinuturing na natural na panlunas
para sa dengue fever. Ang guava extract ay tumutulong para dumami ang platelets
sa dugo.
Para magawa ito, pakuluan ang 9 piraso na dahon ng bayabas sa 5 tasa
ng tubig hanggang 3 tasa ng lang ng tubig ang matira dahil sa evaporation.
Salain ito at pabayaan lumamig. Maaari na itong ibigay sa pasyente ng 3 beses
sa isang araw.
7. TUMUTULONG ITO PARA MAIWASAN ANG PROSTATE CANCEROUS
Ang bayabas ay may kakayahan na pigilan ang paglaki at
pagkalat ng mga cancerous cells. Ipinakit rin ng mga pag-aaral dito na ito ay
magagamit na panlunas sa prostate cancer. Nagagawa niya ito dahil mataas ito sa
lycopene.
8. NAKAKATULONG SA DIGESTION O PAGTUNAW NG PAGKAIN
Pinapagana nito ang produksyon ng digestive enzymes sa
tiyan. Pinapatay nito ang mga bakterya sa digestive tract at pigilan ang
pagkalat ng enzymes na gawa ng mga bakterya na ito.
Magagamit din ang dahon ng
bayabas para sa food poisoning, pagsusuka at pagkahilo. Para sa pananakit ng
tiyan, pakuluan ang 8 piraso ng dahon ng bayabas sa 1.5 liters ng tubig at
inumin ito ng 3 beses sa isang araw.
9. TUMUTULONG ITO PARA MANATILING MASIGLA ANG BALAT
Ang bayabas, lalo na ang red guava ay may mabisang
antioxidant na katangian. Ito ay pumupuksa sa free radicals na sumusira sa
katawan mo sa cellular level. Ang pagkasira na ito ay nagdudulot ng mabilis na
pagtanda ng balat tulad ng paglabas ng wrinkles, pagkawala ng elasticity nito,
pagkatuyo at malabnaw na kulay.
Ang vitamin C na makikita sa bayabas ay
pinapagana ang produksyon ng collagen at elastin, mga structural proteins sa
makakatulong para sa tibay at higpit ng balat ng tao. Magagamit rin ito sa sira
sa balat dahil sa sobrang pagkababad sa araw at sa mga kondisyon na tulad ng
acne at pimples.
Kumain ng bayabas araw-araw para sa magandang balat. Maaari
mo ring linisin ang iyong balat gamit ang panghugas na gawa sa hindi hinog na
prutas at dahon ng bayabas.
Umaasa kami na may natutunan kayo sa artikulo na ito at kung
maaari ay ipabasa sa iba para malaman din nila ito. Salamat!
Source: pinoyhomeremedies
Source: pinoyhomeremedies
