Ang mga magulang ang unang guro ng bawat bata sa mundo.
Habang sila’y lumalaki ang pinagtitingalaan nila ay ang kanilang mga tatay at
nanay at ang inaakala nila ay lahat ng ginagawa ng kanilang mga magulang nila
ay tama.
Ito ang dahilan kung bakit dapat ipakita ng mga magulang ang
mga tamang pamamaraan sa buhay dahil madalas na ginagaya ng kanilang mga anak
ang mga ginagawa nila.
Tungkulin ng mga magulang na palakihin ang kanilang mga
anak na magalang at mabait, isang tao na alam kung paano tratratuhin ang
kanilang kapwa at rerespetuhin.
Responsibilidad din ng mga magulang na turuan
ang kanilang mga anak na babae kung paano pahalagahan ang sarili. Kung paano
huwag umasa ng kahit ano sa iba at gawin ito ng hindi nakaka-insulto.
Mahirap maging isang magulang pero isa ito sa pinakamalaki
ang biyaya sa huli. Mahirap palakihin ang isang bata na ganap na mabait at
matibay ang karakter, lalo na ngayon dahil maraming masasamang impluwensiya ang
nasa paligid.
Hindi ito madaling gawin pero kung nakikita mo na lumalaki sila
sa tamang ugali at sa taong gusto mo ay wala itong ikokompara pa sa buong
mundo.
Loading...
Kahit ang simpleng pagtulong sa kalaro niya na tumayo kung nadulas ito o
pinahiram niya ang kanyang manika sa isang batang babae para tumigil lang ito
sa kaiiyak, o kapag tinulungan niya na lumakad sa kabilang daan ang kanyang
lola, nakakaaliw ng puso kapag nalaman mo na pinalalaki mo sila ng tama.
Para lumaki ang mga anak mo na matuwid ay dapat isa ka ring
tuwiran na tao. Makukuha nila ito sa iyo, kung anong ipinapakita mo sa kanila
ay ito rin ang kanilang matatandaan at maaaring gawin sa kinalaunan.
Kung gusto
mo silang mapagkaibigan at aktibo sa panglabas na mga gawain ay dapat ganito
rin ang ginagawa mo.
Ang mga magulang ang unang dapat maging mabait at
mapagkaibigan, dapat din nilang isama ang kanilang mga anak sa labas sa halip
na pabayaan silang mag-isa habang nanunuod ka ng pelikula o ano pa man sa
bahay.
At saka dapat mag-ingat ka rin sa mga pinagagawa ng mga anak mo tuwing
nasa labas sila.
Maging maingat sa mga bagay na ipinapakita mo sa iyong mga
anak. Alam mo siguro na hindi ka dapat magmura sa harap nila, hindi ba? Dahil
tiyak na gagayahin din nila ito at magmumura din sila sa murang edad pa lamang.
Iwasan din na manigarilyo sa harap nila dahil baka magka-interes sila dito.
Hindi tama ang isipin na dahil bata pa lamang sila at walang kamuwang-muwang ay
maaari mo nang gawin lahat sa harap nila. Wala pa sila sa wastong isip para
malaman kung ano ang tama at mali sa mga ginagawa mo.
At para hindi ka na mahirapan kung ano ang dapat gawin mo o
hindi sa harap nila ay inilista namin ito para malaman mo. Bukod sa
paninigarilyo at pagmumura, may iba pang mga bagay na hindi mo dapat ipakita sa
anak mo.
Kahit maliliit na bagay lamang ito ay malaki ang magiging epekto nito
sa kanilang personalidad. Tandaan lahat ng ito dahil makakatulong sa ito ng
husto.
Una dito ay huwag ipakita sa mga bata na iniinsulto mo ang
ibang tao. Karaniwan lamang na pag-usapan ng mga tao ang kanilang kapwa kung
ito’y wala o nakatalikod pero mas masama kung gagawin mo ito sa harap ng mga
anak mo.
Kahit ano pa man ang sitwasyon, kahit nandiyan o wala ang tao na
iniinsulto mo ay huwag itong gagawin sa harap ng mga anak mo. Siguradong
matatandaan nila ito at kung bakit ito ginagamit sa tao na ininsulto mo. Kahit
biro o tukso lamang ito ay maaaring iwasan mo ito. May sariling paraan ang mga
bata na matandaan ang mga bagay-bagay at saka sasabihin na lamang ito sa harap
ng ibang tao.
Maliban sa pag-insulto sa kapwa ay huwag mo ring maliitin
ang iyong asawa sa harap ng mga bata. Unang-una, hindi tama na masama ang trato
mo sa asawa mo. Bilang mag-asawa, magkapantay lamang kayo sa isa’t isa.
Maaaring magkaiba ang mga tungkulin niyo sa pamilya pero bawat isa dito ay
mahalaga. Kung mayroon ka talagang sasabihin sa asawa mo ay gawin mo ito kung dalawa lang kayo sa
kuwarto. Iwasan mong marining ng mga bata na inaaway at minamaliit mo ang iyong
asawa dahil baka magdulot ito ng pagkasira sa relasyon nila sa bata.
Ang mga
bata ay matatandaan kung paano mo tinatrato ang kanilang tatay/nanay at
maaaring makaapekto ito sa pakikitungo sa kanila. Kaya kapag may problema ka sa
asawa mo ay mag-usap ng mapayapa at nirerespeto pa rin ang isa’t isa.
Sunod ay ang pagiging magalitin. Alam mo na siguro ang
kasabihan na “patience is a virtue”. Maging matiyaga sa bawat ginagawa mo at
huwag mairita kaagad-agad, masama itong ugali. Lalo na sa mga anak mo, dapat
mahaba ang pasyensiya mo sa kanila. Dahil mas mausisa ang mga bata sa maraming
bagay, marami itong itatanong sa iyo at hindi titigil hanggang hindi sila
nasisiyahan.
May mga panahon din kung kailan sobrang kalat ang isang kuwarto
dahil sa kalalaro ng mga bata. Ito ang mga sandali kung saan talagang masusubok
ang pagiging magulang mo. Kahit gaano karami ang kanilang itatanong o sobra
silang nagkakalat ay dapat hindi ka magalit. Huwag mo ring ibaling sa mga bata
ang galit mo kung nainis ka sa ibang bagay.
Huwag mo ring ipagsawalang bahala o hindi pansinin ang mga
anak mo. Tulad ng nabasa mo kanina, ang mga bata ay maraming itatanong at
nakakapagod sagutin ang lahat ng ito pero kagaya ng dati ay dapat mahaba ang
pasyensiya mo.
Sagutin mo lahat ng itatanong nila at huwag mo silang
ipagsawalang bahala at baka magtanong sila sa iba at sagutin ng kung ano-ano.
Kung ginaganahan silang makipagkuwentuhan ay dapat mo silang pansinin at bigyan
ng oras.
Maraming maikukuwento ang mga bata tulad ng tungol sa kanilang paborito
na damit o sa mga ibang mga bata na naging kaibigan nila o inaaway sila. Ito
ang mga bagay kung saan naipapahiwatig nila ang kanilang sarili at mas mainam
kung magagawa nila ito sa kanilang mga magulang. Makipagkuwento sa mga anak mo
at pakinggan ang bawat detalye nito.
Dahil sa mga panibagong kagamitan ngayon, walang mali sa
paggamit ng mga bata ng mga cellphones, tablets o telebisyon para makapanuod ng
mga pelikula na bagay sa kanilang edad. Gayunman, dapat mong limitahan ang
paggamit nila sa mga ito.
Huwag pabayaang magkulong sila sa kanilang mga
kuwarto na ang kasama lamang ay ang kanilang mga electronic gadgets.
Hikayatin
mo silang maglaro sa labas kasama ang ibang mga bata. Maging tuwiran na
magulang at isang mabuting ehemplo, kung gusto mong mabawasan ang paggamit nila
sa mga gadgets ay dapat hindi ka rin nila makikita na palaging na lang
nakakatitig sa cellphone mo.
At sa pinakahuli, huwag magsinungaling kahit white lies lang
ito. Ang white lies ay isang kasinungalingan na sinasabi natin para mabawasan
ang epekto ng isang bagay.
Madalas mabuti ang intensyon kung nagsasabi tayo ng
white lies lalo na kung ayaw natin na masyadong masaktan ang isang tao dahil sa
isang mapait na katotohanan.
Gayunman, ang hindi pagsabi ng totoo para sa
ikakabuti ng isang tao ay hindi nangangahulugan na inililigtas mo sila dahil sa
kinalaunan ay malalaman din nila ang katotohanan. Pagdating sa bata ay palaging
sabihin ang totoo. Isa itong magandang halimbawa na gagayahin nila hanggang
sila ay lumaki.
Source: pinoyhomeremedies
