Eto Ang Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Mo Dapat Katabi Ang Iyong Cellphone Sa Pagtulog

Dahil sa modernisasyon, ang mundo ngayon ay puno ng mga panibagong kagamitan o gadgets, lalo na ang smart phones na naging parte na ng buhay natin araw-araw kahit ano pa man ang ating edad o saan tayo nakatira. 


Loading...

Sa paglipas ng panahon, masyado nang nakadepende ang tao sa mga kagamitan at hindi na mabitawan. Palagi itong nakabukas at set to airplane mode lamang kahit sa gabi.

Malalaman mo lang na addicted ka na dito kung hindi ka makatulog kung wala ito sa tabi mo.  Ayon sa isang survey, may hindi kukulang sa 63% ng smart phone users sa pagitan ng edad na 18 hanggang 29 ang natutulog na katabi ang kanilang cellphone. 

Bukod dito, hindi ipinagpapayo na iwanang nakacharge ang cellphone sa kama ng magdamag.

Sa kasalukuyan, napag-alaman ng mga siyentipiko na ang chronic sleep deprivation sa tao ay may kaugnayan sa paggamit sa mga gadgets na ito kung sila ay malapit lamang sa tinutulogan ng tao. 

Ang artificial blue light na nanggagaling sa electronic devices tulad ng cellphones, tablets, laptop, personal computers at kahit sa telebisyon ay siyang nagiging sanhi para maging aktibo ang neurons sa utak at pinipigilan makatulog ang mga tao.

Dahil dito ay nagagalit ng sobra ang mga magulang sa kanilang mga anak kung sobra itong gumamit ng mga smartphones. 

Dapat itong malaman ng lahat, dahil mas malaki ang tiyansa nilang dapuan ng malulubhang sakit dahil dito. Ang radiation o blue light na lumalabas sa mga panibagong kagamitan na ito ay nagdudulot ng mga karamdaman na maaaring hindi na kayang gamutin.

Sa kabilang palad, may ilang pagkakataon na ang paggamit ng smart phones ay maaaring mabawasan dahil sa trabaho ng mga matatanda at dahil sa social life ng mga kabataan. 

Karamihan sa tao ay ginagamit ang kanilang mga cellphones para sa texting, social media, pananaliksik gamit ang Google, pakikinig sa musika at pagnuod ng mga videos at pelikila.

Gayunman, kung ang paggamit dito ay nakakaapekto sa ating buhay at aktibidad natin araw-araw, dapat limitahan mo ang paggamit dito, lalo na sa gabi dahil patataasin nito ang posibilidad na magkaroon ka ng anxiety o sobrang pag-aalala at hindi mo malalaman na nangyayari na pala ito. 

Ang pagbawas sa oras ng paggamit dito ay dapat mong pag-isipan ng mabuti dahil para rin ito sa ikakabuti ng kalusugan mo.

Kailangan mong isipin kung ano nga ba ang physical at psychological na epekto nito lalo na sa mga bata. 

Hindi lamang ito nakakaapekto sa pangloob na aspeto ng katawan mo pero maaari din itong unti-unting makasira sa bahagi ng katawan mo na palaging nakababad sa pangaraw-araw mo na trabaho o aktibidad tulad na lang ng mata mo. 

Huwag mong isawalang bahala ang ganitong mga bagay dahil sa kinalaunan ay ikaw rin ang magsisisi.

ITO ANG MAAARING MAGING EPEKTO NG SOBRANG PAGGAMIT NG CELLPHONES:

Makararanas ka ng anxiety o stress
Mahihirapan ka sa konsentrasyon
Dadapuan ka ng insomnia
Mababawasan ang pagiging productive mo
Magkakaroon ka ng cognitive issues
Babangungutin ka ng madalas
Makararanas ka ng madalas na pananakit ng ulo
Mas madali kang magalit at mairita

Ito lang ang ilan sa maaaring maranasan mo kung palagi mo na lang katabi ang cellphone mo kahit sa pagtulog.

Para maiwasan ito at mabawasan ang epekto nito sa katawan mo, kailangan mong gawin ang mga sumusunod:

Bawasana ang oras sa pagtawag, pagtetext at pagsurf sa internet.
Ilagay mo ito sa airplane mode kung hindi mo ito ginagamit o patayin para humaba ang battery life nito.
Huwag mong sanayin ang sarili na katabi mo ito sa pagtulog.
Maaari kang gumamit ng headset o ilagay sa speaker mode kung may tawag para maiwasan itong mailapit sa ulo mo.
Mas mainam kung malakas ang reception sa lugar ninyo para mas maliit lamang na power ang ginagamit ng cellphone mo.


Kung nahihirapan ka na gawin ang mga ito ay unti-unting lamang na sanayin ang sarili para dito. 

Dapat malaman ito ng mga magulang dahil kung nakasasama ito sa mga matanda ay mas matindi pa ang epekto nito pagdating sa mga bata dahil ang radiation na lumalabas sa mga gadgets na ito ay mas nakakapasok sa mas manipis nilang bungo. Makakaapekto ito sa kanilang paglaki at pang-unlad ng kanilang utak.


Source: pinoyhealthtips