Kung iniisip mo na madalas na isang biglaan na pangyayari
ang stroke ay nagkakamali ka dito. Ito ay katulad din ng ibang karamdaman at
may mga babala at sintomas ito na maaari mong maobserbahan bago ito tuluyang
mangyari.
Ang stroke ay nararanasan ng isang tao dahil ang nahinto ng
lubusan ang daloy ng dugo sa kanilang utak at nagsisimula nang mamatay ang mga
brain cells dito. Hindi lamang ito nangyayari sa mga matatanda dahil ang
kadalasan na napupunta sa ospital dahin dito ay mga tao na nasa 65 pababa ang
edad.
Ang high blood pressure, mataas na kolesterol at
paninigarilyo ay ilan lamang sa puwedeng maging mitsa ng karamdaman na ito.
ITO ANG 5 WARNING SIGNS NG STROKE BAGO ITO MANGYARI:
PANGHIHINA NG MGA BRASO AT KAMAY
Ang mga tao na nakakaranas ng stroke ay kadalasang nawawalan
ng pakiramdam sa kanilang katawan at ito ay madalas din na sa isang panig ng
katawan lamang. Ang WebMD ay nagrekomenda na tanungin ang apektadong tao na
itaas ang kanilang kamay sa taas ng kanilang ulo. Kinaya ba nila ito? O mas
mababa ang isang kamay kompara sa kabila?
MATINDING PANANAKIT NG ULO
Ang biglaan at matinding pananakit ng ulo ay indikasyon ng
stroke, lalo na kung kasama ito ng iba pang sintomas na mababasa mo sa artikulo
na ito, ayon sa WebMD. Maaaring tandaan na ang ilan sa mga sintomas dito ay
nangyayari din dahil sa migraine, kaya mas mabuti kung tatanungin ang
apektadong tao kung ang sakit sa ulo nila ay hindi ordinaryong pangyayari para
sa kanila. Kung nagdududa ka sa gagawin mo ay humingi ng tulong medikal.
PAGKALITO
Inilista ng The Stroke Association ang biglaan na pagkalito
ng isang tao bilang sintomas ng stroke. Nangyayari ito kapag hindi makaintindi
ang isang tao kung ano ang nangyayari sa paligid nila o kung ano ang sinasabi
ng mga tao at mag-isip ng tama.
HIRAP SA PANANALITA
Ang mga tao na apektado ng stroke ay madalas na hirap
magsalita. Inirekomenda ng HealthLine na ipaulit sa apektadong tao ang kanilang
sinasabi kung madali itong maintindihan o makita kung hirap nga silang
magsalita.
HIRAP SA PAGBALANSE
Ayon sa Medicine.Net, ang mga tao na nakakaranas ng stroke
ay magkakaroon ng problema sa pagbalanse ng katawan at sa koordinasyon nito.
Kung hindi ka sigurado ay ipahawak ang kanilang hintuturo sa kanilang ilong o
pagmasdan kung diretso ang kanilang paglakad.
Source: pinoyhealthtips
Source: pinoyhealthtips