Sa Bawat Pag Sigarilyo Mo Ito Ang Mga Pumapasok Sa Iyong Katawan

Alam natin na ang paninigarilyo ay masama sa ating kalusugan. Gayunman, ang tobacco related deaths ay isa pa rin sa madaling mapipigilan na dahilan ng pagkamatay ng isang tao sa US. 


Loading...

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, may halos 484,000 na mga amerikano ang namamatay dahil sa paninigarilyo bawat taon.

Sinabi rin ng Medical Daily na may mga 3,200 na amerikano na nasa edad ng 18 pababa ang sumisindi ng una nilang sigarilyo bawat araw. Kung ikaw ay naninigarilyo, baka magbago ang isip mo kung malaman mo ang totoong laman ng sigarilyo.

Ang SmokeFreeForsythe.org ay nagbigay ng isang graph sa baba, ipinakikita nito ang lahat ng sangkap na ginagamit sa sigarilyo. 

Ang mga pangalan tulad ng hexamine, stearic acid at cadmium ay maaaring walang kahulugan para sa iyo hanggang makita mo ang imahe sa baba para malaman kung ano nga ba talaga ang mga ito.

Kung natakot ka dahil sa diagram ay dapat lang. Ito ang katotohanan ng paninigarilyo.

Ang sigarilyo ay may laman na cadmium na makikita sa battery, butane sa lighter fluid, methanse sa sewer gas at arsenic sa lason. May ammonia din ito na makikita rin sa toilet cleaner, methanol sa rocket fuel, hexamine sa barbecue lighters at stearic acid na makikita sa candle wax. Talagang nakakadiri ang mga ito!

Kung isa kang chronic smoker o sindi ng sindi ng sigarilyo kahit katatapos lang ng isa at hindi ka nakukumbinsi na tumigil sa bisyo na ito gamit ang diagram, kung maaari ay magpatuloy lamang sa pagbasa dahil may iba pang bagay na dapat kang malaman.

Kung nais mo ng mga karagdagang dahilan para tigilan ang bisyo na ito, dapat mong malaman kung gaano kabilis makarekober ang katawan sa pagtigil mo ng paninigarilyo. 

Ipinaliwanag ng The American Cancer Society na pagkalipas ng 20 minuto pagkatapos mong manigarilyo ay bababa na ang iyong heart rate at blood pressure.

Pagkalipas ng dalawang linggo, bubuti na ang sirkulasyon ng dugo sa katawan mo at kalagayan ng baga mo. Isang taon pagkatapos mong tigilan ang paninigarilyo, mababawasan na ang tiyansa mong magkasakit sa puso.

May mga maaagang pagbabago na madali mong mapapansin. Ang mga pagkain ay mas masarap, ang hininga, buhok at dami mo ay babango, at ang ngipin at kuko mo ay magbababago sa pagiging dilaw ang kulay sa pagiging puti. 

Hindi ito madali, pero ang mga pakinabang nito sa kalusugan mo ay marami. Mas bubuti ang itsura at pakiramdam mo dahil dito.


Natulungan ka ba ng artikulo na ito para tigilan ang paninigarilyo? Ikuwento mo sa amin ang matagumpay na karanasan mo sa pagtigil sa bisyong ito pagkatapos mo itong ibahagi sa social media!


Source: pinoyhealthtips