Iniisip mo siguro na kapag uminom ng kape pagkagising ay
isang magandang ideya para maging aktibo ang iyong katawan.
Pero magugulat ka
kung malalaman mo na ito ay isang masamang gawain. Alam mo ba kung bakit? Basahin sa baba ang mga sagot sa
tanong na ito:
STOMACH ACID
Ang bituka mo ay may hydrochloric acid na nasa wastong antas
lamang at tumutulong sa pagtunaw ng mga pagkain. Pero kung wala itong laman ay
walang tutunawin ang asido na ito kaya naaalog lamang ito sa bituka at
magdudulot ng iritasyon.
Ang pag-inom ng kape sa walang laman na tiyan ay
nakadaragdag sa problemang ito at maglalagay lamang ng karagdagang asido sa
loob ng katawan mo.
Ang sobrang dami nito ay makakasira sa tiyan at digestive
tract mo na sa kinalaunan ay magreresulta sa heartburn, irritable bowel
syndrome at stomach ulcers.
Ang Longevity Coffee ay isang natural at low-acid na uri ng
kape na may kakayahan na bawasan ang dami ng asido sa tiyan. Gayunman, hindi
ito nangangahulugan na maaari mo na itong inumin kahit walang laman ang tiyan
mo. Maraming epekto ang kape sa buong
katawan mo, maging mabuti man ito o masama.
ANXIETY O SOBRANG PAG-AALALA
Kapag walang laman ang tiyan mo lalo na sa paggising mo ay
mahina ang kakayahan ng utak mo na gumawa ng serotonin, it ay kilala bilang happy
calm hormone. Kung kulang ka sa hormone na ito ay magdudulot ito ng sobrang
pag-aalala at depresyon.
Ang pag-inom ng kape sa walang laman na tiyan ay
makakadagdag lamang sa kondisyon na ito dahil tinataasan nito ang antas ng
cortisol at adrenaline ng katawan. Dahil dito ay makakaramdam ka ng matinding
niyerbyos at panghihina.
DEPRESYON
Ayon kay Dr. Adam Simon ng PushDoctor.co.uk, ang pag-inom ng
kape sa walang laman na tiyan ay pinapadalas ang pag-alis ng tubig sa katawan
at maaaring magresulta sa dehydration. Kung ikaw ay dehydrated na at plano mo
pang uminom ng kape ay siguradong mapapahamak ka.
LOSS OF APPETITE O KAWALAN NG GANA SA PAGKAIN
Kung matindi ang gana o kagustuhan mo na kumain at bigla
kang uminom ng kape ay asahan mo na mawawala ang pakiramdam mo na ito. Epekto
ito ng kape at isa sa mga dahilan kung bakit ginagamit ito ng mga gustong
pumayat.
Gayunman, kung gusto mong mabawasan ang pagkain mo ay huwag itong
gamitin sa umaga dahil ang almusal sa isa sa pinakaimportanteng pagkain sa
araw.
KAILAN KA DAPAT UMINOM NG KAPE?
Napag-alaman na ito ng mga nanaliksik at ang pinakamagandang
oras para uminom ng kape ay sa pagitan ng 10 oclock ng umaga at hapon. Tiyakin
lamang na nakakain ka na ng almusal.
Source: pinoyhomeremedies
Source: pinoyhomeremedies