Mura at Epektibong Pamamaraan Para Maalis Ang Mga Kuto Na Hindi Sinasabi Ng Mga Doktor

Alam ng mga magulang na nakakainis ang mga kuto. Nakakahawa ang mga ito at mahirap tanggalin. Ang mga kuto ay maliliit at walang mga pakpak na insekto sa buhok ng tao at nabubuhay sa pagsipip ng dugo


Loading...

Karaniwan itong nangyayari sa mga schools, sa lalake at sa babae, pero mas madaling dapuan ng mga parasitong ito ang mga kababaihan. 

Bagaman hindi delikado ang mga ito ay maaaring maging dahilan ang kagat ng mga ito ng sobrang pangangati at pamamaga ng scalp.

Ito ay pwedeng magdulot ng iritasyon at impeksyon. Maraming lice shampoos ang maaaring bilhin, pero karamihan dito ay hindi epektibo at magastos. 

Minsan ay may presyo ito na aabot sa Php5,000.00. Maraming mga magulang ang gumagamit ng ibat-ibang panlunas dito at gumagastos ng maraming oras para suklayin at suriin ang buhok ng kanilang anak, pero sa huli ay malalaman na lang na walang gumagana dito at hahanap na naman ng ibang paraan para dito.

Sa kabutihang palad ay may mas mabisa at alternatibong paraan para matanggal lahat ng kuto sa buhok.

PAANO ITO GAWIN?

MGA KAILANGAN:

Listerine mouthwash (Maaari kang gumamit ng ibang brand)

Lice comb

White vinegar

Ilang tuwalya

Shower cup o plastic bags

INSTRUKSIYON:

Hugasan ang buhok ng anak mo gamit ang mouthwash hanggang mabasa ito ng lubusan.

Balutan ng plastic bag o takpan ng bathing cap ang buhok. Pabayaan ito ng mga 1 oras.

Pagkalipas ng oras na iyon ay maingat na alisin ang plastic bag/bathing cap.

Banlawan ng suka ang buhok ng anak mo at balutin ito uli ng bag/cap sa isa na namang oras.

Alisin ang bag/cap pagkatapos at hugasan ang buhok ng anak mo gamit ang isang regular shampoo.

Suklayin ang buhok gamit ang lice comb. Makakatulong ang suka para maalis ang itlog ng kuto sa buhok.

Hindi sila makakabalik dahil sa matapang na amoy ng Listerine. Hindi kayang tiisin ng mga kuto ang amoy ng spearmint kaya sila aalis sa buhok. Pwede mong ilagay sa isang spray bottle ang Listerine at gamitin ito sa buhok ng anak mo bago sila pumasok ng school.

Mas ligtas ito kesa sa mga nabibili ng mga produkto dahil puno ito ng mga kemikal na makakasama sa balat at maaaring pumasok sa dugo ng anak mo.

MAY ILANG KALAMANGAN ANG PANLUNAS NA ITO LABAN SA MGA COMMERCIAL PRODUCTS:

Mas ligtas at walang side-effects

Mas matagal ang epekto nito

Mura

Kahit kaunting patak lamang ng Listerine at hindi na babalik ang mga kuto

Mas lubos ang proteksyon na binibigay nito


Ang buhok ng anak mo ay magiging makintab at makinis. Magiging mabango rin ito.