Ang imbensyon ng medisina ay isa sa pinakamagaling na bagay
na nagawa ng tao at sa pamamagitan nito ay naging mas madali magamot ang mga
nagkakasakit na mga tao sa buong mundo.
Loading...
Gayunman, kailangan pa rin na mag-ingat
sa paggamit ng mga ito at kung maaari ay sundin ng maigi ang nireseta ng
doktor.
Masuwerte tayo dahil maraming over-the-counter na medikasyon
ang maaaring mabili kapag nagkaroon tayo ng lagnat, ubo, sipon, pananakit ng
ulo at katawan.
Pero alam mo ba na may ilang klase ng mga medikasyon na hindi
mo dapat gamitin ng kasabay ng iba dahil ang pinaghalong epekto nito ay
maaaring makasama sa iyo sa halip na gamutin ang karamdaman mo.
Ang isang Facebook page ay nagpost ng isang babala para sa
mga netizens at sinabi dito na huwag gamitin ang mga sumusunod na medikasyon ng
sabay-sabay:
Alaxan at Biogesic dahil ang mga ito ay parehas na may laman
na paracetamol at kapag na-overdose ka dito ay maaaring magdulot ng liver
failure o cancer.
Neozep at BioFlu Ang mga ito ay parehas na
Paracetamol-Phenylephrine Chlorphenamine pero magkaiba lamang ng pangalan.
Alaxan at Medicol Ang mga ito ay parehas na
anti-inflammatory at may laman na Ibuprofen.
Neozep at Biogesic
Biogesic at BioFlu
Alaxan at Neozep
Alaxan at BioFlu
Kahit hindi sinabi na napatunayan ang impormasyon na ito ng
husto sa mundo ng medisina, sinabi din na huwag gamitin ang mga gamot na ito at
uminom ng alak dahil gagawa ito ng isang toxic na kemikal sa loob na katawan na
lubos na ikasisira ng atay.
Sinabi rin ng Express Report na ang paracetamol ay maaaring
makasira sa atay sa pagkapinsala ng vital structural connections sa pagitan ng
mga adjacent cells sa mga organs.
Ipinaliwanag din ni Professor Nelson ng Edinburg University
na - Ang paracetemol ay isa sa pinakaginagamit na over-the-counter at
prescription na analgesic drug sa buong mundo. Kapag nasobrahan ang dosis nito,
maaaring mangyari ang acute liver failure at ito ang madalas na dahilan ng ALF
sa UK, US, Europe at Australia.
Dahil sa narrow therapeutic index, ang karaniwang dosis ng
paracetamol ay malapit na sa overdose at dahil madali lamang itong makuha ay
kailangang mag-ingat ng husto ang mga gumagamit nito, dagdag ni Professor
Nelson.
Kaya sa susunod na magkasakit ka at sinubukan mong
magself-medicate, tandaan mo ang listahan na nabasa mo sa taas at siguraduhing
kumunsulta sa doktor para mabigyan ka ng mas mabisang mga gamot.
Source: pinoyhealthtips