Limang Bagay Na Dapat Iwasang Gawin Pagkatapos Ninyong Kumain

Karamihan ng tao ngayon ay mahilig humiga, magrelaks o manuod na lang pelikula pagkatapos nilang kumain pero hindi nila alam na nakasasama pala ito sa kanilang kalusugan.


Loading...

ITO ANG LIMANG (5) BAGAY NA HINDI MO DAPAT GAWIN PAGKATAPOS MONG KUMAIN:

1. Manigarilyo

Alam nating lahat na ang bisyo na ito ay masama para sa ating katawan, pero ang pagsindi sa sigarilyo pagkatapos kumain ay madalas isang kaugalian ng isang tao na naninigarilyo.

Kailangan mong maghintay ng ilang oras pagkatapos mong kumain bago manigarilyo dahil ang mga sigarilyo ay may nicotine na kumakapit sa excess oxygen na kailangan para digestion, dahil dito ay nakakatanggap ng mas maraming carcinogens ang katawan.

Ipinakita ng mga pag-aaral na ang paninigarilyo pagkatapos kumain ay kaparehas ng pag-ubos sa sampung sigarilyo ng sabay-sabay. Bukod dito, patataasin nito ang tiyansa mong magkaroon ng lung at bowel cancer.

2. Huwag kaagad maglakad-lakad pagkatapos mong kumain

Maghintay ng halos 10 minuto bago ka maglakad pagkatapos mong kumain para maiwasan ang matinding acid reflux at indigestion.

3. Pagtulog

Kung matutulog ka kaagad pagkatapos mong kumain ay makararanas ka ng masamang pakiramdam, paglobo ng tiyan at istorbo sa pagtulog na susunugin ang bituka mo sa magdamag.

Sinabi ng University of Loannina Medical School na sa kanilang pag-aaral, napag-alaman nila na ang mga tao na naghihintay ng matagal na sandali bago matulog pagkatapos nilang kumain ay mas maliit ang tiyansa na magkaroon ng stroke. Siguraduhin mo na palipasin ang ilang oras bago matulog kung kataapos mo lang kumain.

4. Shower

Kung maliligo ka sa pamamgitan ng shower pagkatapos mong kumain ay madaragdagan nito ang pagdaloy ng dugo sa kamay at paa mo pero mababawasan naman ito sa tiyan mo. Hihina ang digestive system mo dahil dito at magreresulta sa pananakit ng tiyan.

5. Uminom ng tsaa

Iwasan mong uminom ng tsaa pagkatapos mong kumain ng tanghalian o hapunan dahil makakasira ito sa wastong iron absorbtion sa iyong katawan. Ang tsaa ay may tannic acid na kumakapit sa iron at protein sa mga pagkain.

Pinatunayan na sa siyensiya na ito ay nagreresulta sa 87% na pagbaba ng iron absorption. Ang kakulangan sa iron ay magdudulot ng anemia na magreresulta sa maputla na balat, kawalan ng gana para kumain, pananakit ng dibdib, malamig na kamay at paa, pagkahilo, panghihina at matinding pagkapagod.


May ilang mga bagay talaga na dapat mong iwasan kung katatapos mo lang kumain. Maghintay ng ilang sandali bago ka manigarilyo, kumain ng prutas, matulog, maligo o uminom ng tsaa.